^

Police Metro

Gunman ng radio commentator tukoy na

Ed Amoroso - Pang-masa
Gunman ng radio commentator tukoy na
Satellite image shows Calapan City in Oriental Mindoro.
Google Maps

MANILA, Philippines — Isang manhunt ope­ration ang isinagawa ng mga otoridad laban sa bumaril at pumatay sa isang radio commentator sa Calapan City, Oriental Mindoro, kamakalawa matapos na matukoy ang pagkakakilanlan nito.

Ayon kay Capt. Ann Michelle Selda, Oriental Mindoro public officer, na bumuo na ang pulisya ng isang task group na tutugis laban sa gunman ng nasawing radio commentator na si Cresenciano Bunduquin, 50, ng Barangay Canubing II, Calapan, Oriental Mindoro sa tulong na narekober na ridentification card at iba pang dokumento sa kahon ng motorsiklo na ginamit sa krimen matapos na ito ay iwan ng gunman matapos na mapatay ang kanyang kasama.

Hindi muna pinangalanan ang suspek upang hindi makasira sa patuloy na ginagawang manhunt operation.

Lahat ng anggulo sa pagpatay ay sinisilip ng task group kabilang kung may nakaalitan ang biktima, may kinalaman sa trabaho at negosyo.

Sinabi naman ni P/Col. Samuel Delorino, Oriental Mindoro police director, na nagawang makatakas ng suspek matapos na iwan nito ang motorsiklo nang mapatay ang kasamahan nitong si Narciso Guntan na nabagok ang ulo sa semento matapos salpukin ng kotse ng anak ng biktima na humabol sa kanila.

Ang biktimang si Bun­duquin ay radio commentator ng DWXR 101.7 Kalahi FM at  MUX online radio ay nasa harap ng kanyang tindahan ng barilin ng mga suspek na sakay ng isang motorsiklo, alas-4:20 ng madaling araw nitong Miyerkules. - Doris Franche-Borja

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with