^

Police Metro

Radio commentator todas sa tandem

Ed Amoroso - Pang-masa
Radio commentator todas sa tandem
Kinilala ang nasawing biktima na si Cresenciano Bunduquin, 50, residente ng Barangay Canubing II at radio commentator ng DWXR 101.7 Kalahi FM MUX online radio.
STAR / File

MANILA, Philippines — Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang radio brodkaster matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem kahapon ng mada­ling araw sa Brgy. Sta. Isabel, Calapan City, Oriental Mindoro.

Kinilala ang nasawing biktima na si Cresenciano Bunduquin, 50, residente ng Barangay Canubing II at radio commentator ng DWXR 101.7 Kalahi FM MUX online radio.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya, alas-4:20 ng madaling araw ay nasa harap ng isang tindahan ang biktima nang dumating ang motorsiklo lulan ang dalawang lalaki.

Bumaba ang angkas at kinausap ang biktima at walang kaabug-abog na pinagbabaril ito habang ang isang suspek ay nagsil­bing lookout na siyang nag­maneho ng motorsiklo na may plakang DD22153 sa pagtakas.

Dinala sa ospital ang biktima, subalit idineklarang dead on arrival dahil sa mga tama ng bala sa katawan.

Mabilis na tumakas ang mga suspek, subalit hinabol sila ng anak ng biktima at sinalpok ang sinasakyan ng mga ito na kung saan nalaglag ang isang suspek na nakilalang si Narciso Ignacio Guntan at nabagok ang ulo sa semento na naging dahilan ng kamatayan nito.

Ang kasamang suspek ay agad tumayo at tumakas sakay ng nasabing motorsiklo. Bumuo na ang pulisya ng Special Investigation Task Group (SITG) para magsagawa ng malalim na imbestigasyon sa motibo ng pagpatay kay Bunduquin kabilang ang personal at trabaho nito bilang online reporter. — Doris Franche-Borja

vuukle comment

RIDING-IN-TANDEM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with