Saudi government, naglaan na ng pondo para sa ‘di nabayarang OFWs – DMW

Ayon kay DMW Undersecretary Bernard Olalia, may 10,000 OFWs na nagtrabaho sa 9 na kumpanya sa Saudi na nagdeklara ng bangkarota kasunod ng krisis sa ekonomiya noong 2015 ay makakatanggap ng “buong bayad”.
Rudy Santos

MANILA, Philippines — Kinumpirma nitong Biyernes ng Department of Migrant Workers (DMW) na naglaan na ng pondo ang gobyerno ng Saudi Arabia para sa mga overseas Filipino workers (OFWs) na dating nagtrabaho sa mga kumpanyang nabangkarote at hindi nabayaran ang mga sahod sa naturang bansa.

Ayon kay DMW Undersecretary Bernard Olalia, may 10,000 OFWs na nagtrabaho sa 9 na kumpanya sa Saudi na nagdeklara ng bangkarota kasunod ng krisis sa ekonomiya noong 2015 ay makakatanggap ng “buong bayad”.

Ayon naman kay DMW Secretary Susan Ople, malinaw at ramdam niya ang commitment ng Saudi Arabia.

Sinabi ni Ople na hindi na sila nagtanong tungkol sa kabuuang halaga ngunit kinumpirma sa kanila ni Mi­nister Ahmed bin Sulaiman Al-Rajhi, na namumuno sa Ministry of Human Resources and Social Development, na ito ay nasa Ministry of Finance ng Saudi Arabia.

Ayon pa sa kalihim, ang mga pondo ay sapat upang bayaran ang lahat ng hindi pa nababayarang mga claim. Samantala, sa kanilang pagpupulong, sinabi ni Ople na humiling ang gobyerno ng Saudi ng mas mahabang panahon bago ilabas ang mga claim para ma-validate ang mga pangalan ng mga dating OFWs kasama ang kanilang mga rekord sa trabaho.

Sinabi ni Ople na nangako ang gobyerno ng Saudi na i-update ang mga ito sa mga darating na buwan tungkol sa katayuan ng mga hindi nabayarang claim. -Malou Escudero- Muli na namang maghihigpit ng sinturon ang mga motorista dahil sa anunsyo ng pagtataas sa presyo ng gasolina.

Sa ulat, magkakaroon ng P1 taas sa presyo ng gasolina sa susunod na linggo habang may bahagyang pagbaba naman ang presyo ng diesel at kerosene.

Ayon sa oil industry, ang presyo ng gasolina ay tataas ng mula P1 hanggang P1.30 kada litro samantalang ang presyo ng diesel ay maaaring mabawasan ng  P0.10 per liter ang presyo.

Bababa naman umano ng may P0.20 hanggang P0.50 ang presyo ng kerosene kada litro.

Sinasabing ang price adjustment ay dulot ng galaw ng presyo ng mga produktong petrolyo sa merkado.

Ito na ang ikaapat na beses na linggo na pagtataas sa presyo ng gasolina.

Show comments