^

Police Metro

5 Pinoy missing sa tumaob na Chinese fishing boat

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kabilang ang limang Pilipino sa 39 crew members na nawawala matapos tumaob ang isang Chinese fishing vessel sa Indian Ocean nitong Martes.

Ito ang kinumpirma ng Chinese Embassy at sinabing patuloy silang makikipag-ugnayan sa ahensiya ng gobyerno sa Pilipinas para sa update sa nasabing aksidente.

Sa inisyal na ulat, luma­labas na bukod sa limang Filipino ay sakay din ng lumubog na bangkang pa­ngisda ang 17 Chinese at 17 Indonesian.

Kaagad naman uma­nong ipinag-utos ni Chinese President Xi Jinping ang all out rescue operation para ma­iligtas ang 39 crew members.

Sa inisyal na ulat, alas-3:00 ng madaling araw oras sa Beijing nitong Martes nang lumubog ang Lu Peng Yuan Yu 028 sa Indian Oceans.

Habang ginagawa ang balitang ito ay wala pa rin natatagpuan sa mga nawawalang crew ng barko, habang nagpadala na ng dalawang commercial vessels sa lugar ng insidente para tumulong sa pagha­hanap sa lumubog na barko.

vuukle comment

ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with