^

Police Metro

Kulong at P5 milyon multa sa cyber criminals

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang panukalang batas ang isinusulong ni Senador Jinggoy Estrada na pagpapakulong at pagpataw ng P5 milyon multa sa mga cyber criminals na tina­target ang mga virtual o electronic wallet at iba pang plataporma na ginagamit para sa digital na serbisyong pinansyal.

Sa Senate Bill No. 2171, o ang panu­kalang Bank Accounts, Electronic Wallets, and Other Financial Accounts Regulation Act, nais ni Estrada na pala­kasin at bigyan ng kapangyarihan ang mga ahensya ng gobyerno at mga finan­cial regulators para labanan ang mga cybercrime scheme at mabigyan ang mga consumers ng epek­tibong paraan para masolusyunan ang kanilang mga reklamo.

Dahil sa nakapipinsalang epekto ng mga gawaing ito sa ekonomiya, nais ng mamba­batas na ideklara sa kanyang panukalang batas ang pagkakasangkot sa malalaking krimen o ang paggamit ng mass mailer bilang isang economic sabotage at karumal-dumal na krimen, na may parusang habambuhay na pagkakakulong at multang mula P1 milyon hanggang P5 milyon.

Sa ilalim ng panukala, ang krimen ay ituturing na ginawa ng isang sindikato kung ito ay binubuo ng tatlo o higit pang tao na nagsabwatan, samantalang ang itinuturing na large scale ay ang pambi­biktima sa tatlo o higit pang indibidwal o bilang isang grupo.

Nais din ni Estrada na ipagbawal ang mga money mule, social engineering schemes at mga gawain na nagtutulak sa pagsasagawa ng mga nabanggit na krimen.

Itinuturing na money mule ang paglilipat ng pera na iligal na nakuha mula sa e-wallet ng ibang tao o iba pang financial account, habang ang social engineering scheme tulad ng phishing ay panlilinlang sa pamamagitan ng pagkakamali sa security features o pagbibigay ng sensitibong impormasyon ng account holder.

vuukle comment

JINGGOY ESTRADA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with