^

Police Metro

Bill na lulusaw sa ‘no permit, no exam’ policy pasado na sa Kamara

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pasado na sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang batas na lulusaw sa “no permit, no exam” policy sa mga pribadong eskwelahan sa bansa nang pinagtibay sa ikatlo at huling pagbasa.

Sa botong 259 mambabatas na pumabor ay ganap na napagtibay sa plenaryo ng Kamara ang House Bill (HB) No. 7584.

Alinsunod sa panukala­, papatawan ng parusa ang mga pribadong eskuwela­han sa elementarya at ma­ging sa high school na nagbabawal sa mga estudyante na kumuha ng periodic exa­mination kung hindi pa ang mga ito bayad sa kanilang mga tuition fees.

Umaasa naman si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na sa pama­ma­gitan ng naipasa nilang panukalang batas ay mabibigyan na ng pagkakataon ang mga mag-aaral na may ma­­katwirang dahilan na makasama sa pagsusulit.

 Nakasaad sa Section 4 ng panukala na kailangan lamang na magsumite ang mga magulang o guardians ng mga estudyante mula sa mga pribadong paaralan ng promisory note bago ang itinakdang araw ng eksaminasyon.

vuukle comment

EXAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with