^

Police Metro

77K pulis ipapakalat sa Semana Santa, ‘summer’ break

Doris Franche-Borja - Pang-masa
77K pulis ipapakalat sa Semana Santa, �summer� break
Police officers gather at the Manila Police District headquarters in UN Avenue, Manila during the flag raising and awarding ceremony on April 25, 2022.
STAR / Russell Palma

MANILA, Philippines — Magpapakalat ang Philippine National Police (PNP) ng halos 77,000 tauhan sa tourist spots at iba pang mga lugar hindi lamang sa Semana Santa, maging sa natitirang bahagi ng “summer” break.

Ayon kay PNP chief Gen. Rodolfo Azurin, Jr., ang pagpapakalat ng mga pulis ay layong makaresponde at matugunan ang mga nangangailangan ng assistance sa kanilang lugar at mga bibiyahe sa kani-kanilang mga lalawigan.

Maglalagay ng police assistance desk sa mga strategic na lugar upang madaling makita ng publiko.

Nabatid na nasa 38,387 ang ipakakalat bilang foot at mobile patrol para sa police visibility habang 39,504 sa pangunahing kalsada, transportation hubs, terminal, pasyalan at mga simbahan.

Anya, inaasahan ang pagdagsa ng mga bibiyahe sa iba’t ibang  probinsiya para sa Semana Santa mula Lunes, April 2 hanggang April 9 kaya ipinalabas na ng PNP sa mga police regional at provincial offices ang mga  operational guidelines para sa kaligtasan ng publiko.

Apela naman ni Azurin sa publiko, sa pulis at iba pang tauhan ng pamahalaan, makipag-ugnayan sakaling nagkaroon ng problema at aberya sa kanilang biyahe.

vuukle comment

PNP

TOURIST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with