^

Police Metro

Ginang kinatay, selosong lover nag-suicide

Doris Franche-Borja - Pang-masa
Ginang kinatay, selosong lover nag-suicide
Binubuhat ng mga funeral personnel ang bangkay ng biktimang si Julieta Española 46 at ang suspek na kanyang lover na si Edgardo Manaquil, 50, mata-pos madiskubre ang kanilang mga bangkay sa loob ng kanilang inuupahang bahay sa Caloocan City, kahapon ng umaga.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Pinagsasaksak muna umano hanggang sa mapatay ng 56-anyos na lalaki ang kanyang 46-anyos na live-in partner at pagkatapos ay nagpakamatay din ito, naganap sa Brgy.176, Bagong Silang, Caloocan City, kahapon ng umaga.

Ang nasawing biktima ay nakilalang si Julieta Espiñola habang ang suspek ay kinilalang si Edgardo Manaquil, security guard, kapwa residente ng Phase 4, Package 6, Barangay 176, ng lungsod.

Sa ulat ng mga tauhan ng barangay, alas-8:40 ng umaga nang madiskubre ng anak na si Aizy Isaac, 29, ang duguang bangkay ng magulang sa inuupahang bahay nito kaya’t humingi ito ng tulong sa mga barangay.

Ayon sa imbestigasyon ni PSSg Michael Formento na kanila pang inaalam kung sino sa dalawa ang naunang nanaksak.

“Circumstantial pa lang ang lahat ngayon at wala silang nakitang naganap na may puwersahang pumasok,” wika ni Formento.

Ayon naman kay alias Totoy, 15, ampon ng mag-asawa na noong gabi ng Marso 25 ay nagsabi ang kanyang ama na nais nitong patayin ang sarili na hindi naman niya pinansin.

Sinabi rin ng mga anak ng mag-asawa na selos ang dahilan ng pag-aaway at bago natagpuang patay ay nagtalo muna ang mga ito noong gabi.

Narekober ng mga otoridad sa crime scene ang 13.5 haba na kitchen knife. - Mark Ernest Villeza

vuukle comment

KRIMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with