^

Police Metro

NPA Masbate attack, kinondena ng Kamara

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Mariing kinondena ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang ginawang sunud-sunod na pag-atake ng mga New People’s Army (NPA) rebels  sa Masbate na malapit pa sa mga paaralan.

Ayon kay Romualdez, nagtataka siya kung bakit tila wala nang pinipiling lugar na aatakihin ang mga miyembro ng NPA dahil kahit malapit sa mga paaralan at may madadamay na mga kabataan ay umaatake pa rin ang mga ito.

“Di ko talaga makita ang logic sa pag-atake nila (NPA) sa mga lugar ng mga sibilyan at pagtatanim nila ng mga bomba doon at paano kung mga batang ga­ling sa eskwela ang makatapak ng bomba? Eh, tapos ang kinabukasan ng mga bata,” wika ni Romualdez.

Muling pinaalalahanan ni Romualdez ang NPA na mahigpit nang ipinagbabawal ng United Nations ang paggamit ng land mines ng anumang bansa o armadong grupo na nakikibaka sa isang gobyerno.

Matatandaang isang sundalo ang namatay habang limang iba pang indibidwal, kabilang ang isang paslit, ang nasugatan sa naturang sagupaan sa pagitan ng mga rebeldeng komunista at tropa ng pamahalaan sa Masbate na sinuspinde na rin muna ang face-to-face classes ng mga bata para matiyak ang kanilang kaligtasan.

vuukle comment

NEW PEOPLE’S ARMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with