^

Police Metro

P86 milyong ismagel na asukal nasabat sa Subic

Danilo Garcia - Pang-masa
P86 milyong ismagel na asukal nasabat sa Subic
Sa ulat, unang nakatanggap ang BOC Intelligence Group (IG) ng ‘deregatory report’ ukol sa 30 5x20 containers mula sa Hong Kong na nakadeklarang naglalaman ng ‘slipper outsoles at styrene butadiene rubber’ ngunit pinaghihinalaan na asukal ang laman.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Tinatayang nasa P86-milyong halaga ng mga hinihinalang smuggled na asukal na laman ng 30 containers ang nasabat  ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa Port of Subic.

Sa ulat, unang nakatanggap ang BOC Intelligence Group (IG) ng ‘deregatory report’ ukol sa 30 5x20 containers mula sa Hong Kong na nakadeklarang naglalaman ng ‘slipper outsoles at styrene butadiene rubber’ ngunit pinaghihinalaan na asukal ang laman.

Nang buksan ang mga container nitong Marso 15, tumambad ang nasa 15,648 sako ng refined sugar.

Agad na naglabas ng Warrant of Seizure and Detention sa naturang mga iligal na produkto si District Collector Maritess Martin.

Sinabi ni BOC Commissioner Bienvenido Rubio na kailangan ng patuloy na ugnayan ng iba’t ibang ahensya upang epektibong malabanan ang aktibidad ng mga smugglers lalo na sa agricultural smuggling.

vuukle comment

SMUGGLING

SUGAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with