Teves, iba pang suspects planong ilagay sa international lookout bulletin

Sa Degamo killing

MANILA, Philippines — Pinaplano na ng Department of Justice (DOJ) na ilagay sa international look-out bulletin ang mga suspek sa pagpatay kay Negros ­Oriental Governor Roel Degamo kabilang si Negros Oriental Representative Arnie Teves, Jr.

Sinabi ni Justice Spokesperson Mico Clavano, na kabilang si Teves sa sinasabing nasa likod ng pamamaslang kay Degamo, bukod pa sa 5 pang suspek at 12 ‘John Does’ sa kaso.

“So all those that are in relation to the Degamo slay, we have taken concrete steps na maglabas po ng international lookout bulletin, pinapag-usapan po natin ang paglagay ng mga tao sa blue list, sa Interpol ‘no – Blue Notice,” ani Clavano sa media briefing sa Quezon City.

 “Although dahil po ilalagay na sila sa international lookout bulletin, mayroon po tayong records kung saan sila pumunta, anong petsa po sila umalis – iyon po ‘yung mga relevant data na makukuha natin dahil ilalagay po natin sila sa lookout bulletin,” paliwanag ni Clavano.

 “Just so that we are aware doon sa movements ng ating mga respondents who may very well be involved in the Degamo slay and may be vital sa ating investigation,”aniya pa.

 “We want to exhaust lahat ng mga remedy natin not to go to that route na mag-request ng deportation. As of right now, ­siguro, nananawagan sina Speaker Romualdez and Sec. Remulla na umuwi na lang siya on his own volition,” ani pa ni Clavano.

Show comments