^

Police Metro

Police desk officers na arogante papalitan na ng lady cops sa NCR

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sa gitna ng pagdiriwang ng “Women’s Month” ngayong Marso, papalitan na ang mga lala­king police desk officers ng mga babaeng pulis sa mga police stations sa buong National Capital Region Police Office (NCRPO) o Metro Manila.

Sa isinagawang meet and greet ni Director P/ Major Gen. Edgar Okubo sa media kamakalawa ng gabi, sinabi ng opisyal na ang gagawing pagbabago ay upang mas lalong mapalapit ang kapulisan sa taumbayan dahil karaniwan ang mga lalaking desk officers umano ay pinangingilagan ng mga complainants dahil ilan sa kanila ang nagiging arogante sa pagtatanong.

“Mas may patience kasi ‘yung mga babae na mag-entertain ng mga customers (complainant) dahil doon sa research ko na ginawa using ‘yung mga hidden cameras ng ating R2 ay medyo hindi ako natuwa,” pahayag ni Okubo sa panayam ng mga reporters.

Ang sinasabi kasi ni Okubo na hindi niya ikinatuwa sa mga lalaking pulis na desk officers ay mayroon siyang nakitang pinapagalitan ang isang complainants dahil hindi niya masyadong naiintindihan ang reklamo nito, mayroon namang isang lalaking desk officer na tuloy ang panonood ng tv at hindi masyadong pinapansin ang complainant.

Ayon pa kay Okubo, kapag babae na ang mga desk officers sa mga police stations sa Metro Manila ay tatawagin nila itong costumer relations officer, upang mas gumanda ang connections ng complainants.

“Kasi ang mga babae ay meron silang patience na makinig doon isasangguni ng mga customers kaya tawagin natin silang customer relations officer para mas maganda ang connection ng complainant, si female police officer na ang magco-connect doon sa investigator, PCR, operation or ‘yung station commander,” paliwanag ni NCRPO Director.

Uumpisahan ni Okubo ng pagpapalit sa mga babaeng desk officers sa mga major police stations sa Metro Manila sa mga susunod na araw habang ang mga tatanggaling lalaking desk officer sa mga police stations ay ilalagay na lang sa kalsada upang mapalakas lalo ang police vi­sibility patrol operations.

vuukle comment

POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with