^

Police Metro

Pasahe sa jeep balik-P9 sa Abril

Doris Franche-Borja - Pang-masa
Pasahe sa jeep balik-P9 sa Abril
Daily commuters pay for their jeepney fare in Marikina on Thursday, June 9, 2022.
THE STAR / Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Sa darating na buwan ng Abril ay balik sa P9 ang pamasahe.

Sa ilalim ng rekomendasyon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), balik sa P9 ang minimum fare sa mga traditional jeepney mula sa kasalukuyang P12 pagdating ng Abril.

Magiging P11 mula sa kasalukuyang P14 ang pamasahe sa modernized jeepney at babawasan naman ng P3-P4 ang pamasahe sa bus.

Ang mga senior citi­zen, persons with di­sabilities at mga estud­yante ay madodoble pa ang discount.

“If you are a senior citizen or if you are a student, mayroon pong additional discount yun. In effect dalawang discount po yun sa special group,” wika ni LTFRB chair Teofilo Guadiz III.

Sisimulan na ang discount sa pamasahe sa mga pampasaherong jeepney, bus at UV Express sa Abril.

Inaaral pa kung magkano ang ipatutupad na discount sa UV Express.

“Sa buong bansa po natin ito ipapatupad sa mga piling ruta sa siyudad na may pinakamara­ming bilang po ng mga pasahero kagaya po ng nabanggit at alinsunod sa 2023 GAA provisions namin,” ayon kay Department of Transportation Undersecretary Mark Steven Pastor.

Nabatid na inaantay lamang ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang DOTr na ibigay ang pondo para maipatupad na ang dis­kwento sa pasahe ng mga pampublikong sasakyan.

Ayon pa kay Guadiz, mayroon nang pondong nakalaan para sa Service Contracting Program (SCP) at hinihintay na lamang ng ahensya na maibigay ito ng DOTr sa LTFRB.

Aniya, ang pagbi­bigay ng diskuwento sa pasahe ay ipatutupad ng ahensya sa tulong at gabay ng DOTr.

vuukle comment

FARE

LTFRB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with