^

Police Metro

Napatay na suspek sa Degamo slay, dating NPA member

Doris Franche - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ng mga militar na isa sa mga itinuturong suspek sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo ay isang dating miyembro ng New People’s Army (NPA).

Kinilala ang napatay, ang ex-NPA member na si Arnil Labradilla sa hot pursuit operation na ikinasa sa Brgy. Cansumalig, Ba­yawan City, noong gabi ng Marso 4.

Ayon kay Major Cenon Pancito ng Special Joint Task Force Negros, na isang patunay na may sapat na combat experience ang mga suspek sa pagpatay sa gober­nador.

Sa kasalukuyan, anim sa 10 suspek na umatake sa bahay ni Degamo sa Pamplona, Negros Oriental ang nasa kamay na ng mga otoridad habang apat pa ang pinaghahanap.

Idiniin naman ng Special Joint Task Force, na hindi sapat na matunton lamang ang mga suspek sa pamamaril kay Degamo kundi dapat ay matunton din ang nasa likod ng planong pagpatay sa biktima.

vuukle comment

NPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with