^

Police Metro

Pera pabuya sa drug tipster, ‘di ‘recycle’ na droga - PNP

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pera at hindi “recycle” na droga ang pabuya sa mga tips­ter kasabay ng kanilang kampanya laban sa illegal drugs.

Ito ang tiniyak ni Philippine National Police (PNP)Public Information Office chief information Col. Redrico Maranan sa kabila ng pagbubunyag ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Virgilio Moro Lazo na may umiiral na pagbibigay ng 30% ng nasamsam na droga sa tipsters sa matagumpay na buy-bust operation.

Ayon kay Maranan, illegal ang ganitong sistema dahil nagsisilbing ebidensiya ang mga nakukuhang droga sa operasyon na isinusumite sa korte.

Dagdag pa ni Maranan, walang saysay ang kampanya ng pamahalaan laban sa iligal na droga kung paiiralin ang sistema ng pabuya sa mga tipster.

Sinabi ni Maranan na sa panig ng PNP, mayroon silang reward valuation system kung saan ang monetary amount na ibibigay sa mga tipsters ay nakadepende sa kanilang kontribusyon sa tagumpay ng anti-illegal drugs operations.

vuukle comment

ILLEGAL DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with