^

Police Metro

Bentahan ng PNP uniforms pinahigpitan

Doris Franche-Borja - Pang-masa
Bentahan ng PNP uniforms pinahigpitan
Inatasan na ni Azurin ang kanyang mga regional directors na alamin ang mga accredited contractor at authorized outlet ng mga uni­form sa kanilang mga nasasakupan upang mamonitor ang mga bumibili ng  uniporme ng mga pulis.
STAR / Ernie Penaredondo

MANILA, Philippines — Kasunod nang pamamaslang kay Aparri, Cagayan Vice Mayor Rommel Alameda at lima nitong escort noong Linggo ng  anim na kalalakihan na nakasuot ng PNP uniform ay pinahihigpitan ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Rodolfo Azurin, Jr. ang mga bentahan ng  mga police uniform.

Ayon kay Azurin, bukod sa rehistrado ang mga outlet  ng  police uniforms, mas makabubuti na hingan din ng identification card ang mga mismong bibili at ire-record.

Inatasan na ni Azurin ang kanyang mga regional directors na alamin ang mga accredited contractor at authorized outlet ng mga uni­form sa kanilang mga nasasakupan upang mamonitor ang mga bumibili ng  uniporme ng mga pulis.

Maging ang mga nagbebenta ng  police uniforms sa online ay binabantayan na rin ng anti-cyber crime division ng PNP.

Naniniwala si Azurin na nagsuot lamang ng police uniforms ang mga suspek upang magmistulang legal ang checkpoint at lituhin ang imbestigasyon.

Bukod kay Alameda, nasawi rin sina Alexander Agustin Delos Angeles; Alvin Dela Cruz Abel; Abraham Dela Cruz Ramos; John Duane Banag Almeda; at Ismael Nanay.

Natagpuan namang sunog sa Brgy. Uddiawan, Solana ang Mistubishi Ad­ven­ture na gamit ng mga suspek sa checkpoint sa Bagabag, Nueva Vizcaya nang maganap ang ambush.

vuukle comment

POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with