^

Police Metro

Mag-asawa, gutay sa sumabog na granada

Victor Martin - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang mag-asawa ang nasawi matapos masabugan ng granada sa loob ng kanilang bahay sa Purok 7, Brgy. District III, Gamu, Isabela City, kamakalawa ng umaga.

Ang mag-asawang  nasawi ay kinilalang ssina Charles, 40, magsasaka at Criselda Medrano, 43, guro, kapwa residente sa nabanggit na lugar.

Ayon sa ulat, isang sibilyan ang tumawag sa himpilan ng pulisya matapos makarinig nang isang malakas na pagsabog sa loob ng bahay ng mag-asawang Medrano, alas- 8:30 ng umaga.

Agad na rumesponde ang mga operatiba ng Gamu-PNP at naabutan ang mag-asawa na kapwa patay, na halos magka-gutay-gutay ang mga katawan sa loob ng kanilang kuwarto.

Teorya ng pulisya, na hawak ng lalaki ang isang granada sa pag-aaway nila ng kanyang misis at posibleng natanggal ang safety pin na dahilan ng pasabog ng granada.

Napag-alaman din na  ilang beses umanong naghaharap sa barangay at istasyon ng pulisya ang mag-asawa dahil sa sumbong ng babae na siya ay sinasaktan ng kanyang mister na una na ring inaresto ng pananakit noong Marso 2021.

vuukle comment

EXPLOSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with