^

Police Metro

Allowance sa mga health workers patuloy — Pangulong Marcos

Malou Escudero - Pang-masa
Allowance sa mga health workers patuloy � Pangulong Marcos

Kahit matapos na ang state of calamity…

MANILA, Philippines — “Tuloy-tuloy ‘yan... Yung inaalala ko dati na hindi matutuloy ang compensation para sa ating health workers, ‘yung mga health workers, ‘yung allo­wance nila ay pinag-aralan namin nang mabuti kahit hindi itinutuloy ang state of calamity ay hindi maapek­tuhan ang pagbayad doon sa ating mga health workers ng kanilang mga benefits.”

Ito ang naging kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., matapos ang meeting kasama ang mga health officials sa Malacañang.

Nilagdaan ni dating Pa­ngulong Rodrigo Duterte ang Proclamation No. 929, na nagdedeklara ng state of calamity sa buong bansa noong Marso 2020, nang magsimulang kumalat ang COVID-19 sa bansa.

Ang state of calamity ay dapat tumagal lamang ng anim na buwan ngunit pinalawig ng isang taon hanggang Setyembre 12, 2021, sa pamamagitan ng Proclamation No. 1021, at pinalawig sa pangalawang pagkakataon sa pamamagitan ng Proclamation No. 1218.

Binanggit din ni Pa­ngulong Marcos ang sitwasyon ng COVID-19 infection sa bansa na patuloy ang pagbaba ng kaso ng COVID-19 at patuloy na binabantayan ang hospitalization.

Tinukoy din ni Marcos na hindi na kailangang magmadali na makakuha ng bakuna dahil bumababa na ang “risk” ng hawahan.

Sa ngayon, nabakunahan na ng DOH ang nasa 73 milyong indibidwal, o 94.54 porsiyento ng target na populasyon, habang 21 milyong indibidwal ang nakatanggap ng kanilang mga booster shot.

vuukle comment

ALLOWANCE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with