^

Police Metro

Bebot na sumuko sa droga, itinumba

Ludy Bermudo - Pang-masa
Bebot na sumuko sa droga, itinumba
Kinilala ni Parañaque City Police Station commander P/Colonel Renato Ocampo, ang biktimang si Manilyn Acuesta Guinto, ng Bagong Ilog St., Brgy. Baclaran, Parañaque City.
STAR / File

MANILA, Philippines — Isang 35-anyos na babae ang nasawi nang malapitang barilin sa ulo ng hindi pa tukoy na suspek, kamakalawa ng gabi sa Parañaque City.

Kinilala ni Parañaque City Police Station commander P/Colonel Renato Ocampo, ang biktimang si Manilyn Acuesta Guinto, ng Bagong Ilog St., Brgy. Baclaran, Parañaque City.

Sa ulat, alas-8:10 ng gabi nang maganap ang pamamaril sa Dimasalang Extension, Brgy. Baclaran ng nasabing lungsod.

Nabatid na nakarinig ng dalawang putok ng baril ang mga residente sa lugar na agad itinawag sa Baclaran police sub-station.

Natagpuan ng mga otoridad sa crime scene ang dalawang basyo ng bala ng kalibre 45 at nangalap sa ilang kabahayan kung nahagip ng kanilang closed circuit television (CCTV).

Nabatid na ang biktima ay isang drug surrenderee.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with