^

Police Metro

Death toll sa Paskong baha sa Visayas at Mindanao: 49 na

Doris Franche - Pang-masa

MANILA, Philippines — Umakyat na sa 49 ang bilang ng mga namatay sa pag-ulan at pagbaha noong Pasko sa ilang lugar sa Visayas at Mindanao.

Ito ang iniulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na kung saan ang 25 ay mula sa Northern Mindanao; 8 sa Bicol region; 4 sa Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula at Davao Region; 3 sa Caraga at 1 sa Mimaropa.

Nasa 16 na rito ang kumpirmado habang isinasailalim pa sa balidasyon ang 33 iba pa.

Dalawampu’t dalawa naman ang iniulat na nawawala habang 16 ang sugatan.

Sa report ng NDRRMC na 10,147 indibiduwal ang naapektuhan o 3,232 pamilya ang nasa 93 evacuation centers habang 41,309 iba pa o 10,991 pamilya ang nasa iba’t ibang mga evacuation centers.

Lumilitaw din sa report na pumalo na sa P243,029,507.42 ang danyos sa agrikultura habang P1,137,605,000 naman sa mga nasira sa siyam na imprastraktura.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with