^

Police Metro

Joshua, kasama sa bakasyon ng pamilya ni Bella!  

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Joshua, kasama sa bakasyon ng pamilya ni Bella!           

Kahapon lang sinasabi naming walang confirmation na sina Joshua Garcia at Bella Racelis nga ang magkasama sa Shibuya, Tokyo, Japan, pero may nag-post na sa social media ng isang maikling video na nakita silang dalawang magkasama. Sinasabi naman ng ibang sources na hindi lang ang dalawa ang nagbakasyon sa Japan, kasama rin daw ang pamilya ni Bella.

Eh sa ngayon napakahirap nang itago ang activities ni Joshua, dahil inilabas nga ng isang social media platform na siya ang pinakamalakas na content creator nila sa Pilipinas sa taong ito. Makalipas lang daw ang isang araw, mahigit na one million views na ang kanyang unang ginawang content, at ngayon kung ilang milyon na ang kanyang follo­wers sa social media. 

Pero tingnan ninyo, milyon ang followers ni Joshua sa social media at kung nanonood sila ng kanyang serye, aba siguro sobrang taas ng ratings noon. Pero obviously ang dami nang social media followers, hindi “mai-transform” sa actual audience eh.

Tingnan ninyo iyong mga pelikulang aktibong nai-promote sa social media lang, hindi rin naman kumita. Iyong mga pulitikong nagbuhos ng milyon sa social media, natalo rin. Iba ang audience talaga ng social media.

Summer Filmfest, ipinipilit

Kumita kaya iyang summer film festival? Noong araw, kaya nasimulan ang Manila Film Festival tuwing summer, kasi ginawa iyon ni  Mayor Antonio Villegas ng Maynila, kasabay ng araw ng lungsod. Noong 1975, napagkaisahan na kunin ng festival na pinalawak na noon sa buong Metro Manila, ang December playdate dahil iyan ang pinakamalakas na petsa sa mga sinehan. Mara­ming pera kung December at tama sila, mas kumita ang festival. Hindi kaya ng isang summer festival kahit na kalahati ng kita ng MMFF, at makakaaway mo na naman ang mga film distributors na inaalisan ng karapatang ilabas ang kanilang mga pelikula.

May gagawa kaya ng batas para magkaroon ng summer festival? Hindi puwede iyong basta sinabi lang ng MMDA ok na iyan. Nakita rin natin, hindi ba nagkaroon ng pista ng pelikulang Pilipino nang ilang taon din? Kumita ba? Kung sabagay puro naman kasi indie ang kasali roon, at iyang indie hindi kikita sa ano mang panahon.

Baguhang aktor, ayaw nang magpanggap na lalaki sa 2023

Iyong isang male newcomer, magbabago na raw siyang talaga. Aaminin na niya pagpasok ng 2023 na siya ay bading talaga. Inamin niyang hirap na hirap na siya sa pagpapanggap na lalaki siya.

Ayaw raw naman niyang magaya sa isang matinee idol na hanggang ngayon ay patuloy na nabubuhay sa dilim. Ang sabi niya, alam niya iyon dahil ang matinee idol na mas matanda sa kanya ay naka-date rin niya nang ilang ulit in the past, at inamin daw noon sa kanya kung gaano kahirap ang mabuhay sa dilim.

Kaya asahan ninyo, ang newcomer na iyan na nagsisimula na rin sanang makilala, aaminin na siya ay isang “girl.”

vuukle comment

JOSHUA GARCIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with