^

Police Metro

Namatay na Bulacan rescuers pinarangalan

Mer Layson - Pang-masa
Namatay na Bulacan rescuers pinarangalan
The photo shows the capsized boat in Bulacan after typhoon "Karding" hit the province.
Mon Gualvez/Twitter

MANILA, Philippines — Pinarangalan at binigyan ng ‘snappy salute’ ng Department of the Interior and Local Go­vernment (DILG) ang limang bayaning rescuers na nagbuwis ng kanilang buhay habang nagsasagawa ng rescue mission sa San Miguel, Bulacan sa kasagsagan nang pana­nalasa ng Super Bagyong Karding noong Linggo ng gabi.

Nagpaabot si DILG Secretary Benjamin ‘Ben­hur’ Abalos Jr. nang taos-pusong pakikiramay at mataimtim na panala­ngin para sa mga pamilya ng nasawing rescuers na sina Narciso Cala­yag, Jerson Resurreccion, Marvy Bartolome, George Agustin at Troy Justin Agustin.

Matatandaang Linggo ng gabi ay nagsasagawa ng rescue operations ang mga biktima nang abutan sila ng flash flood at madaganan nang gumuhong pader sa Barangay Camias, San Miguel, Bulacan.

Sakay umano ang mga biktima ng isang rescue boat nang maganap ang insidente, matapos na masira ang kanilang truck habang patungo sa kanilang misyon. 

Iniulat na nawawala ang mga biktima at nang hanapin ay nadiskubre na lamang ang kanilang mga labi sa Sitio Banga-Banga, Barangay Camias. - Omar Padilla

vuukle comment

DILG

RESCUER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with