^

Police Metro

MMDA: Traffic violators na nahuli puwede nang umapela online

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Naglunsad ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng isang online filing platform para makapaghain ng “traffic citation contest” o apela ang mga motorista na hinuli dahil sa paglabag sa mga batas trapiko.

Ayon sa MMDA, ka­ilangan lamang na mag-fill out ng online complaint form ang mga naisyuhan ng traffic citation ticket sa pamamagitan ng Google form at mag-upload ng mga kinakaila­ngang dokumento gaya ng Unified Ordinance Violation Receipt (UOVR), driver’s license, at Official Receipt/Certificate of Registration (OR/CR) ng sasakyan.

Sa loob ng 3-working days, ang MMDA-Traffic Adjudication Division (TAD), na siyang namamahala sa pagdinig ng mga rekla­mong inihain ay makikipag-ugnayan sa kliyente para sa pre-processing ng contest o ang laban na pahayag mula sa naka­saad na paglabag nito sa traffic citation ticket. Ang pre-processing ay ang paunang yugto kung saan ina-assess ng TAD ang batayan at/o merito ng reklamo, pati na rin ang pagiging angkop ng mga attachment.

Ang pagdinig ay isasa­gawa ng face-to-face upang mapatunayan ang mga isinumiteng dokumento. Ang paglabas ng resolusyon ay maaaring gawin sa pisikal o sa pamamagitan ng email, sa kahilingan din ng nagre­reklamo.

Maaaring maghain ng mga protesta mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon tuwing Lunes hanggang Biyernes. Ang mga na-file na lampas sa alas-5 ng hapon ay maaasikaso sa susunod na araw. Maaaring ma-access ang online form sa pamamagitan ng link na ito: https://bit.ly/3J62YhH. 

vuukle comment

MMDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with