^

Police Metro

2 arrest warrant inilabas, Vhong Navarro sumuko

Ludy Bermudo - Pang-masa
2 arrest warrant inilabas, Vhong Navarro sumuko
Si actor at tv host Vhong Navarro nang sumuko kahapon sa tanggapan ng National Bureau of Investigation sa Quezon City, matapos maglabas ang Ta-guig court ng arrest warrant sa kasong acts of lasciviousness na isinampa ng model na si Deniece Cornejo.
Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Nagpalabas ng dalawang warrant of arrest ang Taguig court laban sa TV host/actor comedian na si Ferdinand “Vhong” Navarro para sa kasong acts of lasciviousness na may piyansang P36,000.00 at isa sa kasong rape  na walang kaukulang piyansa.

Si Navarro ay nasa kustodiya na ng NBI matapos kusang sumuko sa warrant of arrest na inilabas ng Taguig City Metropolitan Trial Court Branch 116 sa kasong acts of lasciviousness na inihain ng mo­delong si Deniece Cornejo.

Isinailalim ito sa pro­seso tulad ng finger prin­ting, mugshot at pagkuha ng kanyang personal na detalye.

Subalit, kinahapunan ay isa pang warrant of arrest ang inilabas ng Taguig Metropolitan Trial Court Branch 69 sa kasong rape na walang itinakdang piyansa.

Matatandaang noong Agosto 31, 2022  pormal nang isinulong sa korte ng Taguig City Prosecutor’s Office ang kasong rape.

Nai-raffle ang dala­wang kaso noong Setyembre 8, 2022 at bumagsak sa Branch 116 ang Acts of lasciviousness habang ang rape ay sa Branch 69 ng Taguig courts.

Ang paghahain ng dalawang kaso ay bunga ng inilabas na kautusan ng Court of Appeals (CA) noong Hulyo 21, 2022  na pumabor sa naging apela ni  Cornejo at binawi ang mga resolusyon ng Department of Justice (DOJ) na nagbasura sa reklamong rape laban kay Navarro. - Danilo Garcia

vuukle comment

VHONG NAVARRO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with