^

Police Metro

Akusado sa pagpatay, arestado pagkalipas ng 13 taon na pagtatago

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pagkalipas ng 13 taon na pagtatago sa batas ay naaresto kahapon ang isang 37-anyos na lalaki na pumatay sa kanyang kaibigan sa Muntinlupa City.

Ayon sa report ng Southern Police District na ang suspek na si Ricky Candelaria, ay una nang nadakip noong taong 2003 kaugnay sa kasong  homicide, subalit nagtago matapos pansamantalang makalaya sa bisa ng piyansa.

Taong 2009 nang ma-convict si Candelaria sa kabila ng hindi niya pagdalo sa mga pagdinig sa korte.

Ang kasong homicide ay nag-ugat sa madugong engkuwentro sa pagitan ni Candelaria at kaibigan na naganap sa nasabing lungsod.

Habang nagluluto umano si Candelaria sa labas ng kaniyang bahay nang atakehin siya ng kaibigan.

“Hindi sinasadya po ‘yung pangyayari. Bigla niya po akong sinaktan. Sinipa po ako, tapos pinalo ako ng syanseng mainit. Kinuha ko po ‘yung kutsil­yong pangluto, tinamaan po siya sa paa. Kaya po siya may sugat sa kamay, inaagaw kasi niya ‘yun,” ani Candelaria.

Naisugod pa sa paga­mutan ang biktima, suba­lit namatay din dahil sa rami ng nawalang dugo sa katawan at tuluyang atakehin sa puso.

Nakatakda nang ili­pat sa NBP si Candelaria upang bunuin ang sentensiya.

vuukle comment

KRIMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with