^

Police Metro

Petisyon sa dagdag-pasahe aprub sa LTFRB

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Magandang balita sa lahat ng drivers ng pampublikong sasakyan dahil inaprubahan na ng Land Transportation Franchi­sing and Regulatory Board (LTFRB) ang kanilang petisyon sa taas-pasahe. 

Sa pinalabas na desis­yon ng LTFRB board, P1 provisional increase ang inaprubahan para sa Traditional Public Uti­lity Jeepneys (TPUJs) at Mo­dern Public Utility Jeepneys (MPUJs) para sa unang apat na kilometro.

Kaya’t ang minimum na pasahe sa TPUJ ay P12, habang ang MPUJ ay P14.May dagdag na P0.30 sa kada succeeding kilometer para sa TPUJ habang dagdag na P0.40 para sa succeeding kilometer sa  MPUJ.

Sa pampasaherong bus ay naaprubahan ng board ang P2 uniformed base fare increase para sa city at provincial buses para sa unang 5 kilometro at ang succeeding kilometer fare increase na P0.35 ay naging P0.50 depende sa uri ng bus.

Inaprubahan din ang flagdown rate ng taxis at TNVS ng P5.00, kaya’t ang magiging minimum fare sa Taxis at Sedan-type TNVS ay P45, habang ang AUV/SUV-type TNVS ay P55.

Para sa mga hatchback-type TNVS ang flagdown rate ay P35 at wala namang taas-pasahe sa succeeding kilometers.

Patuloy pa ring ipaiiral ang pagkakaloob ng 20% discount para sa mga senior citizens, persons with Disability at estudyante.

Ayon sa LTFRB, ki­nailangang aprubahan ang mga petisyon ng mga pampasaherong sasakyan para sa fare increase dulot na rin ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo. Iiral ang pagsingil ng dagdag-pasahe sa Oktubre 1.

vuukle comment

FARE HIKE

LTFRB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with