4-anyos napisak ng SUV
MANILA, Philippines — Isang 4-anyos na batang babae ang nasawi matapos masagasaan at pumailalim sa isang sports utility vehicle (SUV) sa Adriatico St., Malate, Maynila, kamakalawa ng hapon.
Kinilala ang nasawing biktima na si Radzma Upao, 4-anyos, residente ng No. 2142-22 Adriatico St., Malate, Maynila.
Agad namang naaresto ang suspek na driver ng Mistubishi Montero Sport na si Gil Cruzada, 63, retired overseas Filipino worker (OFW), residente ng No. L 16, B2 Garden City Subd., San Isidro, Parañaque City.
Sa inisyal na ulat ng pulisya, bago naganap ang aksidente, alas-2:00 ng hapon ay binabagtas ng Montero ang Adriatico St., kanto ng Quirino Avenue nang mabangga at pumailalim sa sasakyan ang biktima hawak ang kanyang manika.
Itinakbo sa Ospital ng Maynila ang bata, subalit nasawi ito, alas-3:14 ng hapon habang nilalapatan ng lunas dahil sa natamong mga pinsala.
- Latest