^

Police Metro

3 katao todas sa Taguig shooting

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tatlong katao ang nasawi nang barilin ng hindi pa kilalang suspek sa isang transient house na nasa Brgy. Fort Bonifacio, Taguig City, kahapon ng madaling araw.

Namatay noon din sina Marie Angelica Belina, 25, isang OFW, residente ng Barangay Pachoca, Calapan City, Mindoro; Mark Ian Desquitado, 35, Grab rider, residente ng No. 27 Blk 5 Zone 1, Brgy. Fort Bonifacio, Taguig City; at idineklarang dead  on arrival si Tashane Joshua Branzuela  22, estudyante, at residente ng No. 164 Zone 1 Brgy. Fort Bonifacio, Taguig City.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Taguig City Police, naganap ang pamama­ril, alas-3:20 ng madaling araw sa isang transient house na matatagpuan sa Block 5, Zone 1, Barangay Fort Bonifacio, Taguig.

Sinabi ng isang witness na nasa loob sila ng transient house nang makarinig ng sunud-sunod na putok ng baril at nang kanilang tignan ay natagpuan ang mga katawan ng mga biktima na nakahandusay sa daan.

Ayon naman kay Ta­guig chief of police P/Colonel Robert Baesa, nabatid na sinundo ng isang van sa Batangas Pier si Belina at  inihatid sa transient house.

Ang Grab driver na nagmamay-ari ng van ay sinasabing nadamay lang sa pamamaril na posibleng pakay lamang ng suspek sina Belina at Branzuela.

Si Belina ay sinasabing patungo na sana sa Japan na may iskedyul ng flight kahapon (Agosto 21).

Kasalukuyang iniimbestigahan ng pulisya ang dating live-in partner ni Belina kung may kinalaman sa krimen.

vuukle comment

SHOOTING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with