Bahagi ng Ninoy Aquino Avenue, isasara sa Agosto 19-22
MANILA, Philippines — Pansamantalang isasara ng Parañaque Traffic Parking and Management Office (TPMO) sa mga motorista ang ilang bahagi ng Ninoy Aquino Avenue mula Agosto 19 hanggang 22 upang bigyan ng daan ang konstruksyon ng Ninoy Aquino Station ng LRT-1 Cavite Extension Project.
Batay sa advisory ng DOTr, nabatid na ang northbound at southbound lanes ng Ninoy Aquino Avenue malapit sa Imelda Bridge ay pansamantalang isasarado sa trapiko simula alas-6:00 ng gabi ngayong Biyernes, Agosto 19, hanggang alas-5:00 ng madaling araw ng Lunes, Agosto 22.
Pinayuhan din nito ang mga apektadong motorista na maghanap ng mga alternatibong ruta.
Ang mga patungong northbound anila ay maaaring kumanan sa Old Sucat Rd. (harapan ng SM Sucat) C5 Extension Rd. Multinational Ninoy Aquino Ave. (Duty Free), kaliwa sa Kabihasnan (Victor Medina St.) Quirino Ave. o Cavitex Coastal Road.
Ang mga pa-southbound naman ay maaaring kumaliwa sa Multinational C5 Extension Rd. AMVEL Ninoy Aquino Ave. (Airforce One/PCP Station 3) o kaliwa sa Multinational C5 Extension Rd. Old Sucat Rd. exit (Head Quarters/Brgy. San Dionisio Hall) U-turn sa Palanyag, Quirino Ave. Kabihasnan (Victor Medina St.) Ninoy Aquino Ave.
Ang Ninoy Aquino Avenue ang siyang nagkokonekta sa Pasay City at Parañaque City.
- Latest