^

Police Metro

SUV vs trak: 4 college student, patay

Doris Franche - Pang-masa

MANILA, Philippines — Idineklarang dead on arrival sa ospital ang  apat na college student matapos sumalpok ang sinasakyan nilang SUV sa likod ng isang  truck sa Tayabas City, Quezon, kahapon ng madaling araw.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Juan Carlos Alvarez, 22; Enrique Garcia, 20, driver; Marga Elaine Ramirez, 18; at Mikaela Jeuel Solomon, 23.

Sa imbestigasyon ng Tayabas City Police, bago nangyari ang aksidente, pasado alas-3:00 ng madaling araw sa Maharlika­ Highway, Barangay Calum­pang ay mabilis ang takbo ng sinasakyang Toyota Innova (DAC-4983) ng mga biktima na galing sa Lucena at patu­ngo sa direk­syon ng Sa­riaya, Quezon nang su­malpok ito sa likod ng sinusundang Isuzu Forward truck (WTP-521) na minamaneho ni Cipriano Gonzales Jr, 39.

Sa tindi ng pagsalpok ay nawasak ang SUV at pahirapan ang pagtanggal sa mga biktima na naipit at inabot ng kalahating oras bago matanggal at mabilis na dinala sa ospital, su­balit idineklarang dead on arrival.

Sa pahayag ni Gonzales, dahil sa sobrang bigat ng kanyang kargang produkto ay hindi niya namalayan na may sumalpok na palang sasakyan sa likod ng minamanehong truck at nakaladkad pa ng 20 metro.

Nasa kustodiya nga­yon ng Tayabas City Police ang driver ng truck habang iniimbestigahan kung nakainom ang mga biktima. - Tony San­doval, Ed Amoroso

vuukle comment

AKSIDENTE

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with