Nagpopositibo sa COVID-19 sa NCR, bahagyang tumaas – OCTA
MANILA, Philippines — Iniulat kahapon ng OCTA Research Group na tumaas nang bahagya ang daily positivity rate ng COVID-19 cases sa National Capital Region (NCR) o Metro Manila sa nakalipas na tatlong araw.
Ayon kay OCTA fellow Dr. Guido David, ang NCR ay nakapagtala ng daily positivity rate na 17.9 percent noong Huwebes, August 11.
Gayunman, nilinaw na hindi naman tiyak kung ang positivity rate na ito ay umabot na sa peaked sa NCR.
Sa ulat ng OCTA, ang isang linggong positivity rate ng COVID sa Metro Manila ay pumalo sa 17.4 porsyento noong Agosto 6 ay naging 15.9 porsyento ng Agosto 9.
Sinabi ni David na ang COVID-19 wave sa bansa ay maaaring mas mahaba at matagal na maaaring magpatuloy hanggang “ber” months.
Ang Pilipinas ay nakapagtala ng 4,661 na bagong kaso ng COVID-19, ngayong linggo na mas mataas sa dating 3,823,084.
- Latest