^

Police Metro

2 grupo ng MILF nagsagupa: 5 patay

Doris Franche - Pang-masa

MANILA, Philippines — Limang katao ang nasawi kabilang ang apat na mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at isang sibilyan nang magsagupa ang dalawang lider, kahapon ng madaling araw sa Pikit, North Cotabato.

Kinilala ang nasawing sibilyan na si Lito Catulong Quinones, habang ang apat ay mga miyembro ng MILF. Habang tatlo naman ang naiulat na nasugatan.

Batay sa report, nagkasagupa ang dalawang grupo nina Kumander Bugdad Matalam Akas at Ustadz Walid Mamasamlang sa Sitio Galigayanin Barangay Macabual, Pikit, Cotabato.

Natigil lamang ang putukan ng magkabilang panig nang pumagitna ang militar, pulisya sa kaguluhan.

Inilikas naman ang mga residente sa evacuation center para maiwasan na madamay ang mga ito.

vuukle comment

MILF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with