^

Police Metro

US Sec. of State Blinken nag-courtesy call kay BBM

Malou Escudero - Pang-masa
US Sec. of State Blinken nag-courtesy call kay BBM
Mainit na tinanggap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si US Secretary of State Antony Blinken sa isinagawang courtesy call sa Malacañan Palace kahapon.
KJ Rosales/ PPA Pool

MANILA, Philippines — Dumating na sa bansa kahapon si US Secretary of State Antony Blinken at agad na nag-courtesy call at nakipagpulong kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Malacañang.

Kabilang sa mga dumalo sa pulong sina US Ambassador to the Philippines MaryKay Carlson at Executive Secretary Vic Rodriguez. Pinag-usapan nila ang mga paraan para patatagin pa ang ugnayan ng Amerika at Pilipinas.

Muling pinagtibay nina Marcos Jr. at Blinken ang pangako ng dalawang bansa sa pamamagitan ng Mutual Defense Treaty (MDT) na unang nilagdaan noong Agosto 1951 na nagsasaad ng pagsuporta ng magkabilang panig. Sinabi ni Marcos na patuloy ang ebolusyon ng MDT at may espesyal na relasyon sa pagitan ng Pilipinas at Amerika. Malawak na aniya ang saklaw ng tulong na ipinaabot ng US sa Pilipinas.

Tiniyak naman ni Blinken kay Marcos na ang Amerika ay nananatiling naka­tuon sa relasyon nito sa Pilipinas sa maraming larangan lalo na sa mga isyu tungkol sa ekonomiya at depensa.

 

vuukle comment

ANTONY BLINKEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with