‘State of climate emergency’ idineklara sa Makati
Bunsod ng matinding pagbaha
MANILA, Philippines — Dahil sa nararanasang pag-ulan at pagtaas ng mga tubig-baha bunga ng climate change, nagdeklara na ng “state of climate emergency” si Makati Mayor Abby Binay at nangakong gagawa ng aksyon para mabawasan ang greenhouse gas emissions sa lungsod.
“As temperatures and sea levels continue to rise, low-lying coastal areas in cities like Makati have become more vulnerable to strong typhoons that bring floods and landslides,” ani Binay sa isang webinar noong Biyernes.
“This will result not only in the disruption of public services but also the displacement of families and even entire communities,” ani Binay sa “Cafe Talk for Resilient Makati.”
Ang pamahalaang lungsod ay bibili ng isang buong fleet ng mga de-kuryenteng sasakyan at gagamit ng mga solar panel sa mga pampublikong paaralan at mga tanggapan ng gobyerno upang mabawasan ang pagkonsumo ng enerhiya at matiyak ang pagpapatuloy ng mga serbisyo sa panahon ng kalamidad, ayon sa alkalde.
Aniya, nais niyang makita ang aktibong partisipasyon ng sektor ng negosyo, komunidad, at iba pang stakeholder.
Hinimok din ng alkalde ang mga lokalidad na turuan ang mga residente at negosyo tungkol sa mga epekto ng pagbabago ng klima at isali sila sa paglikha ng mga plano upang gawing mas matatag sa pagbabago ng klima ng mga komunidad. Ayon sa PAGASA Weather Bureau, ang average na temperatura sa lahat ng lugar sa bansa ay inaasahang tataas sa pagitan ng 1.8 and 2.2 degrees Celsius pagsapit ng 2050 dala ng climate change.
- Latest