^

Police Metro

July inflation rate, tumaas sa 6.4 porsyento

Angie dela Cruz - Pang-masa
July inflation rate, tumaas sa 6.4 porsyento
Maraming mananakay ang walang masakyan na pampasaherong jeep sa Philcoa, Quezon City dahil sa maraming hindi bumiyahe dahilan sa mataas na presyo ng krudo at iba pang bilihin.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Inihayag ng Philippine Statistics Authority (PSA) na tumaas sa 6.4 porsyento ang inflation sa Pilipinas noong buwan ng Hulyo.

Ayon sa PSA, ang pagtaas ng inflation rate ay dulot ng tumaas  na presyo ng mga bilihin at serbisyo noong nagdaang buwan na sinasabing ikalimang sunod na buwan noong Hulyo.

Ayon kay PSA chief at National Statistician Claire Dennis Mapa, ang 6.4 percent na inflation rate noong July 2022 ay mas mataas sa 6.1 percent noong nagdaang buwan ng Hunyo 2022 at mala­king taas sa 3.7 percent ng kaparehong buwan ng Hulyo 2021.

“Ang dahilan ng ma­taas na antas ng inflation noong Hulyo 2022 ay ang mas mabilis na pagtaas ng presyo ng Food and Non-Alcoholic Beverages. Ito ay may 6.9% inflation at 64% share sa pagtaas ng pangkalahatang inflation sa bansa,” pahayag ni Mapa.

Tumaas naman sa 9.2 percent ang inflation sa presyo ng isda at iba pang seafood products mula sa 6.7 percent, ang karne at iba pang meat products ay nagtala rin ng inflation na 9.9 percent mula sa 8.1 percent noong Hunyo, ang asukal, confectionary at mga produktong minata­mis ay may inflation na  17.6 percent mula sa 10.9 percent noong June.

Ayon kay Mapa, ang ikalawang commodity­ group na mabilis ang pag­taas ng inflation ay ang transport index na may 18.1 percent inflation noong Hulyo mula sa 17.1 percent noong Hunyo.

vuukle comment

INFLATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with