^

Police Metro

Dagdag-singil sa credit card transactions, ipagbabawal

Gemma Garcia - Pang-masa
Dagdag-singil sa credit card transactions, ipagbabawal
Ito ang inihaing ­Senate Bill No 296, ni Sen. Francis Escudero na magbibigay na proteksyon sa mga consumers mula sa pagsasamantala at pagmamalabis.
File

MANILA, Philippines — Ipagbabawal at ituring na krimen ang pagdagdag ng singil sa mga transaksyon na ginagamitan ng credit card.

Ito ang inihaing ­Senate Bill No 296, ni Sen. Francis Escudero na magbibigay na proteksyon sa mga consumers mula sa pagsasamantala at pagmamalabis.

Puntirya rito ang mga tindahan at restaurant na may idinagdag na charges o singil kaya itinataas ang presyo ng produkto o serbisyo o kaya naman binabawasan ang discount ng produktong naka-sale kapag credit card ang ginamit ng customer sa pagbabayad.

Sa ganitong gawain, ipinapasa ng merchant sa kanilang customers ang processing fee na dapat nilang bayaran sa credit card companies.

Giit ni Escudero, pasakit ito sa consumers at diskriminasyon sa hindi makabayad ng cash at dapat umano kung magkano ang mga nasa price tag, iyon ang babayaran, cash man o credit card ang gamit.

Sa ilalim ng panukala, ipagbabawal ito at ang lalabag ay makukulong ng anim na buwan hanggang isang taon at pagmumultahin ng P20,000 hanggang P100,000 at maaring suspendihin o kanselahan ang kanilang business license.

Kapag foreigner naman ang nagkasala, ­idedeport o ipapabalik sa bansang pinanggalingan matapos magsilbi rito ng sentensya.

vuukle comment

CREDIT CARD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with