3-anyos tepok sa salpok ng SUV
MANILA, Philippines — Idineklarang dead on arrival sa ospital ang isang 3-anyos na bata matapos masalpok habang nakatayo sa harap ng basketball court ng SUV, kamakalawa sa Caloocan City.
Ang nasawi dahil sa tinamong pinsala sa ulo ay kinilalang si Raine Gabisan, ng No. 30 Bisig ng Nayon St. Brgy. 4.
Nasa kustodiya na ng pulisya ang driver ng Mitsubishi Montero (NDF-6241) na si Josephine Garner, 29, call center agent at nakatira sa Block 6 Lot 6, Tanguile, Brgy. San Vicente, Angono, Rizal.
Sa report, alas-3:00 ng hapon ay nakatayo ang bata sa harap ng basketball court, nang salpukin ni Garner ang biktima at nagulungan pa ang ulo nito.
Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide si Garner sa Caloocan City Prosecutor’s Office.
- Latest