^

Police Metro

1.3 milyong botante, nagparehistro para sa BSKE

Danilo Garcia - Pang-masa
1.3 milyong botante, nagparehistro para sa BSKE
Marikina residents line up for new voter's registration at Marikina Comelec office on Monday, July 4, 2022.
The STAR / Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Nasa 1.3 milyong indibidwal na ang nagparehistro sa Commission on Elections (Comelec) sa nagpapatuloy na voters registration para sa gaganaping Barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Ayon kay John Rex Laudiangco, tagapagsalita ng Comelec, sa ika-11 araw ng voters registration nitong nakaraang Biyernes, umabot sa 1,805,272 ang nagsumite ng aplikasyon.  Sa naturang bilang, nasa 1,307,593 indibidwal ang naaprubahan ang rehistrasyon.

Binubuo ang naturang bilang ng: 863,078 na may edad 15-17 taong gulang para sa Sangguniang Kabataan election; 435,266 na may edad 18-30; at 72,249 na may edad 31 pataas.

Ang aplikasyon para sa transfer sa ibang siyudad o munisipalidad ay nasa 227,203 (Brgy) at 2,655 (SK); transfer sa parehong siyudad o bayan ay 58,691 (Brgy) at 559 (SK); habang ang transfer with reactivation ay nasa 9,532.

Tatagal ang voter’s registration hanggang Hulyo 23 lamang at maaaring magtungo ang mga aplikante sa mga election office mula Lunes hanggang Sabado kabilang ang holidays.

vuukle comment

COMELEC

VOTERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with