^

Police Metro

Mag-asawa todas sa saksak ng anak na ‘sinapian’

Victor Martin - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kapwa nasawi ang mag-asawa matapos­ na sila ay ataduhin ng saksak ng kanilang sari­ling anak na umano’y sinapian ng masamang espiritu sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Pampang, Kayapa, Nueva Vizcaya, kamakalawa.

Kinilala ng Kayapa PNP ang nasawing mag-asawa na sina Ruben Baltazar, 68, isang magsasaka at Nora Baltazar, 65, habang sugatan naman ang isa nilang anak na si Shayra Baltazar, 26, dalaga at pawang mga residente sa nasabing barangay.

Kinilala naman ang suspek na si Iryb Baltazar, 28, isang magsasaka at residente rin sa nabanggit na lugar.

Ayon sa ulat, alas-3:10 ng madaling araw nitong Huwebes ay mahimbing na natutulog ang mag-asawa sa sala ng kanilang bahay kasama ang suspek nang bigla na lamang itong tumayo na tila sinapian­ ng masamang espiritu at kumuha ng patalim at pi­nag­sasaksak ang kanyang magulang at kapatid na si Shayra.

Mabilis naman na nakalabas sa bahay si Shayra para humingi ng tulong sa kanilang kaanak at kapitbahay para dalhin sila sa ospital na kung saan hindi na umabot ng buhay ang mag-asawa dahil sa mga ti­na­mong mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Boluntaryo namang sumuko sa mga pulisya ang suspek na nahaharap sa kasong parricide at frustrated homicide.

vuukle comment

KRIMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with