^

Police Metro

Ambulansya vs trak: 6 sugatan

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Anim na katao ang nasugatan nang magkabanggaan ang delivery truck at ambulansiya sa Quezon City kamakalawa ng hapon.

Ang mga biktima ay kinilalang sina Argie Almazan, kanyang asawang si Neslie at kanilang anak, na dalawang taong gulang; Juan Paolo Marcelino; Jeremy Dela Cruz, at Geilbert Bilar.

Sa ulat ng Traffic Sector 1 ng Quezon City Police District (QCPD), bago nangyari ang aksidente, ala-1:55 ng hapon sa Brgy. Lourdes ay binabaybay ng ambulansiya, na minamaneho ni Marcelino, sakay si Dela Cruz, ang Cordillera St., nang mabangga ang isang Isuzu Elf truck na mula naman sa Cuenco St. at minamaneho ni Bilar.

Nasugatan sa insidente sina Marcelino, Dela Cruz at Bilar, habang nadamay at nasugatan din ang pamilya Almazan nang maipit ng dalawang behikulo ang kani­lang sinasakyang motorsiklo.

Wala namang sakay na pasyente ang ambulansiya nang maganap ang aksidente, habang sinabi ng driver ng truck na hindi niya narinig ang wangwang ng ambulansiya.

vuukle comment

AKSIDENTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with