^

Police Metro

Ex-Batangas vice governor, nahulihan ng mga illegal na baril

Mer Layson - Pang-masa
Ex-Batangas vice governor, nahulihan ng mga illegal na baril
Sa ulat, nabatid na si Recto ay dinakip nang pi­nag­sanib na puwersa ng Anti-Cybercrime Group (ACG) ng Philippine Na­tional Police (PNP) at ng Eastern Police District (EPD) noong Linggo, sa bisa ng isang Warrant to Search, Seize, and Examine Computer Data (WSSECD).
File

MANILA, Philippines — Dinakip ng mga otoridad si dating bise Batangas gobernador na si Richard “Ricky” Recto matapos umanong mahulihan ng iba’t ibang uri ng mga baril na pawang hindi lisensyado sa isang operasyong ikinasa sa Pasig City.

Sa ulat, nabatid na si Recto ay dinakip nang pi­nag­sanib na puwersa ng Anti-Cybercrime Group (ACG) ng Philippine Na­tional Police (PNP) at ng Eastern Police District (EPD) noong Linggo, sa bisa ng isang Warrant to Search, Seize, and Examine Computer Data (WSSECD).

Nag-ugat ang operasyon nang ireklamo si Recto ng kanyang dating nobya nang paglabag sa Republic­ Act No. 9262 o Anti-Violence Against Women and their Children Act, in relation to RA 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012.

Matapos ang isinagawang pagsusuri, kaagad na kumuha ng WSSECD ang mga otoridad noong Hulyo 1 at kaagad itong isinilbi kay Recto noong Linggo.

Kaagad inaresto ng mga otoridad si Recto matapos na makumpiskahan ng mga digital devices, gayundin ang limang hindi rehistradong baril, na kinabibilangan ng isang 12-gauge shotgun, dalawang .9mm pistola, isang caliber .25 revolver, at isang caliber .40 pistola.

Ang suspek ay dinala na sa headquarters ng ACG at sasampahan ng mga kaso.

vuukle comment

GUN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with