Sangkot sa agri smuggling pinakakasuhan ni Sen. Marcos

A vendor arranges vegetables at Nepa Q-Mart in Quezon City on February 20, 2022.
Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Pinakakasuhan ni Presidential sister Senador Imee Marcos ang mga sangkot sa agricultural smuggling at magsagawa pa ng mas malalim na imbestigasyon sa unang 100 araw ng bagong administrasyon.

Paliwanag ni Marcos ang aktuwal na paghahain ng kaso laban sa mga smuggler ang magiging sukatan kung gaano kaseryoso ang administrasyon na sugpuin ang mga pandaraya sa importasyon ng mga produktong pang-agrikultura.

Dagdag ni Marcos, chairman ng Senate Committe on Economic Affairs na ang umano’y mga ilegal na inangkat na mga produkto ang sanhi ng pagbaba ng farmgate price ng mga lokal na mga produktong pang-agrikultura kaya naman nawawalan na ng gana ang mga magsasaka sa kanilang kabuhayan.

Subalit hindi umano maaaring isampa ang mga kasong smuggling sa korte hanggang hindi pa naayos ng husto ang listahan ng mga hinihinalang smuggler ng mga produktong pang-agrikultura.

“May ilang taong dapat nasa listahan, habang kini­kwestyon naman ang pagkakasama sa listahan ang iba,” giit pa ni Marcos sa gitna ng sagutan ng mga senador at mga opisyal ng Department of Agriculture (DA), Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), at National Intelligence Coordinating Agency (NICA).

Show comments