2 bebot timbog sa P2 milyon shabu sa Las Piñas

Sa ulat, dakong alas-9:30 ng gabi ng Biyernes nang ikasa ang operasyon ng Station Drug Enforcement Unit ng Las Piñas Police laban sa mga suspek sa Zapote River Drive Barangay Zapote, Las Piñas City, kung saan nakabili ang mga awtoridad ng ilegal na droga at narekober ang kabuuang 300 gramo ng shabu na nag­kakahalaga ng P2,040,000.00.
Philstar.com / John Unson, file

MANILA, Philippines — Dalawang babae ang arestado matapos umanong makumpiskahan ng mahigit P2-milyong halaga ng ilegal na droga sa isinagawang buy-bust operation sa Las Piñas City, nitong Biyernes (Hulyo 1).

Kinilala ni Southern Police District (SPD) Director P/Brig. General Jimili Macaraeg ang mga suspek na sina Charmaine Ann Escarlan, 28; at Airene Ramos, 26.

Sa ulat, dakong alas-9:30 ng gabi ng Biyernes nang ikasa ang operasyon ng Station Drug Enforcement Unit ng Las Piñas Police laban sa mga suspek sa Zapote River Drive Barangay Zapote, Las Piñas City, kung saan nakabili ang mga awtoridad ng ilegal na droga at narekober ang kabuuang 300 gramo ng shabu na nag­kakahalaga ng P2,040,000.00.

Nasa kustodiya na ngayon ng Las Piñas City Police ang mga naarestong suspek habang ang mga nakum­piskang ilegal na droga ay itinurn-over sa SPD Forensic Unit para sa chemical analysis.

Show comments