Libreng sakay sa Carousel bus, pinalawig

Ayon sa DOTr, ang libreng sakay sa  EDSA Carousel bus ay pinalawig hanggang December 2022 habang ang libreng sakay ng mga estudyante sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3), Light Rail Transit Line 2 (LRT-2), at PNR ay mula  August 22 hanggang November 4, 2022.
Boy Santos, file

Mga estudyante libre ang sakay sa tren

MANILA, Philippines — Inihayaga kahapon ng Department of Transportation (DOTr) na pinalawig ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang libreng sakay ng EDSA Bus Carousel at ganun din ang libreng sakay sa mga tren ng mga estudyante.

Ayon sa DOTr, ang libreng sakay sa  EDSA Carousel bus ay pinalawig hanggang December 2022 habang ang libreng sakay ng mga estudyante sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3), Light Rail Transit Line 2 (LRT-2), at PNR ay mula  August 22 hanggang November 4, 2022.

Batay sa portion ng DOTr memorandum na siyang inaprubahan ni Marcos ay kanilang kinokonsidera ang availability ng budget para sa Service Contracting sa ilalim ng 2022 General Appropriations Act para sa pagpapalawig ng libreng sakay sa bus.

Ito rin ay isang kaparaanan upang maibsan ang dalang bigat ng pamilyang Pinoy sa pagtataas ng mga bilihin at makatulong para makaipon lalo na’t malapit na ang pagbabalik ng face-to-face classes.

Show comments