P30 milyong puslit na frozen chicken products, nakumpiska

Ipinapakita ng tauhan ng BOC ang mga nakum­piskang frozen chicken products.

MANILA, Philippines — Nakumpiska ng Bureau of Customs (BOC) ang nasa mahigit P30 milyon halaga ng mga puslit na agricultural at frozen chicken­ products sa Manila International Container Port (MICP) nitong Miyerkules.

Ang nasabat na illegal products ay naka-consigned sa Lycan Consumer­ Goods Trading at nakalagay sa limang 40-footer containers na naglalaman ng frozen chicken products.

Nabatid na kaagad na isinailalim sa 100% exa­mination ang naturang ship­ment matapos ma­­ka­tanggap si Customs In­telligence and Investi­gation Service-MICP (CIIS-MICP) Deputy Com­missioner for Intelligence Raniel Ramiro ng “derogatory information”.

Inaasahan namang ka­agad na magpapalabas si Rosales ng Warrant of Sei­zure and Detention (WSD) laban sa shipment, habang ang Lycan Consumer Goods Trading at broker nito ay sasampahan ng kaukulang kaso ng bureau. Anang BOC, ang naturang pinakahuling operasyon ay bahagi ng kanilang tuluy-tuloy na operasyon laban sa agricultural smuggling, kahit bago pa man isinumite ang report kay dating Senate President Tito Sotto III kung saan pina­ngalanan ang mga matataas na opisyal ng Customs bilang mga protektor ng agricultural smugglers.

“We need to act fast if we want to catch up to these groups. My standing­ order is to not delay the issuance of needed documents that will allow our agents to do their jobs well,” ayon kay Customs Commissioner Rey Le­onardo B. Guerrero, na kumondena sa pinakahuling smear cam­paign laban sa BOC.

Show comments