P50K sahod kada buwan hirit ng grupo ng nurse kay PBBM

Nasa 316,000 sa 917,000 Filipino nurses na ang piniling magtrabaho sa labas ng bansa para matugunan ang pangangaila­ngan ng kanilang pamilya sa gitna ng krisis sa ekono­miya.
Krizjohn Rosales

MANILA, Philippines — Hinirit kahapon ng Fi­lipino Nurses United (FNU) kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na gawing  P50,000 sahod ng mga nurse kada buwan.

Sinabi ng pangulo ng FNU na si Maristela Abe­nojar na magpapakita ang kanilang grupo ng 10-point agenda ng mga nars sa bagong administrasyon.

“Top most po doon sa 10 na laman ng agenda ay itaas ang sahod ng nurses sa mga pampubliko at pampribado… gawin po itong P50,000 a month. ‘Yan po yung entry salary,” aniya.

Anya sa unang talum­pati ni Marcos bilang Pa­ngulo ng bansa ay na­banggit ang isyu ng mga nurse na bagaman at pina­kamagaling sa buong mundo ay nababalewala naman sa Pilipinas kaya marami ang napipilitang umalis ng bansa.

Ayon kay Abenojar, nasa pagitan lamang ng P8,000 hanggang ng P20,000 ang sahod ng mga nurse kada buwan sa mga pribadong ospital.

Habang sa pampublikong ospital ang ilang mga nars ay tumatanggap ng P35,000 kada buwan sa ilalim ng Salary Grade 15. 

Pero, marami pa rin na mga nurse sa mga pampublikong ospital ang hindi nakakakuha ng nasabing halagang dahil nasa 50,000 sa kanila ay mga kontrak­twal na manggagawa.

Nagbabala si Abenojar na maaaring bumagsak ang healthcare system sa bansa dahil sa nakakaalarmang “exodus” ng mga nurse para magtrabaho sa ibang bansa.

Nasa 316,000 sa 917,000 Filipino nurses na ang piniling magtrabaho sa labas ng bansa para matugunan ang pangangaila­ngan ng kanilang pamilya sa gitna ng krisis sa ekono­miya.

Show comments