Bagong DFA chief itinalaga ni Marcos

MANILA, Philippines — Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang career diplomat na si Enrique Manalo bilang Kalihim ng Department of Foreign Affairs (DFA) at pinalitan si dating DFA Sec. Teodoro Locsin Jr.

Nanumpa na kahapon si Manalo, 69-anyos sa harap ni Pangulong Marcos sa Malacañang na unang career diplomat na itinalaga bilang DFA chief makalipas ang dalawang dekada.

Si Manalo ay itinalaga noon bilang DFA Undersecretary for Policy sa ilalim ng administrasyon nina Pa­ngulong Rodrigo Duterte at Gloria Macapagal Arroyo.

Nagsilbi rin si Manalo bilang acting Foreign Affairs secretary mula Marso 9 hanggang Mayo 17, 2017, matapos na mabigo si  Perfecto Yasay na makuha ang kumpirmasyon ng Commission on Appointments bilang  DFA secretary.

Si Manalo, nagretiro mula sa Foreign Service noong 2018, nagsilbi bilang Philippine Permanent Representative to the United Nations sa New York sa ilalim ni dating Pangulong Duterte mula 2020 hanggang Hunyo 30, 2022.

Show comments