^

Police Metro

Ex-Cong. Andaya pumanaw na

Jorge Hallare - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagulantang ang buong Bicol Region lalo na mga kaibigan at matagal na nakasama sa pulitika matapos na matagpuang patay si dating Cong. Rolando Andaya Jr., sa loob ng kwarto nito sa kanilang bahay sa Avocador St.,  Corner Pomelo St., St. Jude Orchard Subdivision, Brgy. Concepcion Grande, Naga City, kahapon ng umaga.

Ang pagkamatay ni Andaya ay isinapubliko ng kanyang mga anak sa pamamagitan ng isang Facebook post.

“With deep grief and sadness, we announce the untimely death of our father… We request for your fervent prayers for his eternal repose, and to allow us, his family, to grieve privately our loss,” nakasaad sa FB post ng magkapatid na sina Ranton at Katrina Andaya.

Hindi naman nagbigay ng anumang detalye ang pamilya sa sanhi ng pagkamatay ni Andaya na matatandaang nagsilbi bilang House Majority Floor Leader noong 17th Congress at Budget secretary mula 2006 hanggang 2010 sa ilalim ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

Matatandaan na noong Nobyembre 2021 ay unang nagbalak si Andaya na tumakbo bilang Congressman sa Unang Distrito ng Camarines Sur, subalit umatras ito at naghain ng kanyang candidacy bilang gobernador ng Camarines Sur, hindi naman ito pinalad at natalo kay Luigi Villafuerte anak ni Camarines Rep. LRay Villafuerte.

Si Cong. Andaya ay isang biyudo matapos pumanaw noong 2020 ang kanyang maybahay na si dating Rep.Marissa Mercado-Andaya sa sakit na cancer. - Joy Cantos, Doris Franche

vuukle comment

ROLANDO ANDAYA JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with