COVID-19 Booster vax sa 12-17 yrs. old, posibleng simulan na
MANILA, Philippines — Inihayag ng Department of Health (DOH) na posibleng maumpisahan na ang booster vaccination ng edad 12-17 simula ngayong Hunyo 30.
Ito ang sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire nang maglabas na ng panuntunan ang DOH na magpapahintulot sa mga kabataan na tumanggap ng kanilang COVID-19 booster shots at kung hindi mauumpisahan ngayong araw ay inaasahan naman sa mga susunod na araw.
Maaaring tumanggap ng unang booster dose ang adolescent group limang buwan makaraang makumpleto nito ang primary series ng bakuna.
Maaaring magparehistro sa lokal na pamahalaan at barangay o magtungo sa mga walk-in vaccination sites kasama ang kanilang mga magulang o guardian na may dalang balidong identification cards, dokumento na nagpapatunay sa relasyon sa bata at ang COVID-19 vaccination card ng batang magpapabakuna.
- Latest