^

Police Metro

Bangka lumubog: 4 mangingisda nalunod, 1 nawawala

Ric Sapnu - Pang-masa
Bangka lumubog: 4 mangingisda nalunod, 1 nawawala
Batay sa report ng pulisya, kabilang sa 45 crew na sakay ang mga biktima ng Fishing Boat Twin Sister kasama sina Gregorio Abong, 52 at Jemar Dacillo, 26.
File

MANILA, Philippines — Lumutang ang bangkay ng apat na mangi­ ngisda habang nawawala ang isa pa nilang kasama matapos lumubog ang kanilang fishing boat nang balyahin ng malakas na alon sa karagatan ng Bagac, Bataan, nitong Huwebes ng gabi.

Kinilala ni Coast Guard commander PO1 Edward John Lazaro, ng CG Morong substation ang mga nasawi na sina Alexander Mesina, 52; Tirso De Guia, 45; Edgar Balboa, 50; at Gregorio Limboc, 43; pawang mga taga-Nasugbu, Batangas .

Batay sa report ng pulisya, kabilang sa 45 crew na sakay ang mga biktima ng Fishing Boat Twin Sister kasama sina Gregorio Abong, 52 at Jemar Dacillo, 26.

Habang naglalayag ang mga biktima sa gitna ng karagatan na sakop ng Barangay Saysain nang salubungin sila ng malalakas na alon.

Tuluyang nilamon ang bangka ng mga biktima at apat sa mga ito ang nasawi habang patuloy na nagsasagawa ng search and rescue operation ang PCG sa isa pang mangingisda na si Dacillo. - Danilo Garcia

vuukle comment

LUNOD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with